Monday, March 30, 2015

BIG Week!

Hello to All!!!
Today I'm gonna write my Email in Tagalog. :)
Let's check how fluent I am in Tagalog. :)
Sige, Kamusta kayong lahat? Napakasaya ng Linggo namin ng Companion ko.
Noong nakaraang Lunes, nag Family Home Evening kami sa Reyes Family, Bumili ako ng Cake para sa Meryenda namin. Medyo Mahirap lang kasi ang Reyes Family kaya wala silang masyadong Pera para magbigay ng Meryenda sa amin. Pero Masaya talaga ang Family Home Evening namin sa kanila, Maraming members na nag attend. Parang na lungkot lang ako sa ibinigay kong Games sa Family Home Evening, Kasi Tinakpan ko ang mata ni Sister Judy Mae ng Kamay ko tapos hindi niya alam na may nilagyan ko ng Charcoal ang kamay ko. Tawa kami ng Tawa. Nagpunta siya kaagad sa Bathroom nila at nag hilamos. Pagkatapos sinabi niya sa amin na may Allergy siya sa Charcoal. Natakot tuloy ako. Pero sabi niya okay lang daw. Tumawa din siya. At noong March 26, 2014 Nag Celebrate ng Birthday ang unang tao na biniyagan ko sa Mission. Si Sister Kimberly Napao! 15 Years Old na siya! Pumunta kami sa bahay nila bandang 8:00 p.m at bumili ako ng Cake at Binilhan ko rin siya ng Regalo. Naghanda din ang Family niya. Maraming siyang Kaibigan na Pumunta sa Birthday niya. Masayang Masaya talaga siya noong Gabing iyon. Nagpasalamat siya sa amin sa lahat ng Itinuro namin sa Kanya. Grabe! Malaki talaga ang nagbago sa kanya, dati Mahiyain talaga siyang tao, Pero ngayon Hindi na talaga siya nahihiyang sumagot sa mga Tanong namin. At Sumasali talaga siya sa mga Activities sa Simbahan. At noong Biyernes, Binigyan ako ng Napakagandang Souvenir ng isa sa mga tinuturuan namin. Binigyan niya ako ng Samurai Sword! Nagulat talaga ako! hahahaha. Pero Maganda talaga ang binigay niyang Samurai Sword sa akin. Haha. Pero Masaya ako dahil naging Masaya ang Linggo ko. Sa Huwebes magkakaroon kami ng Community Service Project, Mamumulot kami ng Basura. :) Marami talaga akong natutunan sa Linggong ito.
At Maswerte talaga ako na binigyan ako ng Pagkakataon ng Diyos na maglingkod sa Kanya.
Sa Pinakamamahal kong Pamilya at mga Kaibigan, Palagi niyong tatandaan na Mahal na Mahal tayo ng Ating Ama sa Langit. Lahat ng Problema at Pagsubok na dumarating sa buhay natin ay may mga Reason at Purpose, kaya Wag tayong Sumuko.
Mahal na Mahal ko kayo!
Huwag niyong Kalimutan na Magbasa ng mga Banal na Kasulatan at Magdasal.

P.S Tingnan niyo ang mga Pictures. :)



*Reyes's Family Home Evening


*My PIKACHU Hat! I Love Pokemon!


*My Shoe has Holes now! :( I need a new pair of Shoes!


*Cooking Puto Bibingka using a Huge Spatula!


*Sister Kimberly Napao's Birthday Cake


*Vanilla Cake for Elder Green (He Loves Vanilla Cake so much)!


*Me and Elder Green inside a Trike (wacky)


*Sister Kim's Birthday!







*Beautiful Brgy. Pesa
 
*Me in the Wilderness :) (Best Picture Ever)



*My Samurai Sword!


*Monster Energy Drink! (This Drink almost killed me)



Love:

ELDER ORDEJAN
Philippines Angeles Mission

No comments:

Post a Comment